Tuesday, February 8, 2011

True love, Stupid Love

Paano ba masasabi na true love ang nararamdaman mo para sa isang tao? True love bang matatawag kung masaya ka pag magkasama kayo? True love bang matatawag kung nakita mo na ang lahat ng masama sa pagkatao ng mahal mo ngunit nariyan ka pa rin sa kanyang tabi? True love bang masasabi kung sa ilang beses na nag-away kayo at naghiwalay ay nagkakabati at nakakabalikan kayo? True love ba ang pagiging tanga at istupido pagdating sa pag-ibig? Marahil oo ang isasagot ng iba sa mga tanong na ito. Ngunit, para sa akin, masasabi kong true love ang nararamdaman sa isang tao kung may respeto, komunikasyon at tiwala na namamagitan sa dalawang taong nagmamahalan. Unahin natin ang respeto: Nirerespeto nyo ba ang isa't isa bilang tao? Kung oo, maaaari ngang true love ang nadarama nyo para sa isa't isa. Hindi nyo ba naaapakan ang karapatan ng bawat isa dahil lang sa pag-ibig na namamagitan sa inyong dalawa? Kung oo maaaring ring true love yun. E paano kung hindi? Paano kung ang isa sa inyo ay makasarili at ang nais nya ay irespeto mo lang ang karapatan nya? Paano na ang karapatan mo bilang nobyo/nobya? Paano na ang karapatan mo bilang tao? Pababayaan mo na lang ba  para sa ikatatahimik ng relasyon nyo? Isang malaking katangahan ang pagiging tahimik kung alam mo na may mali ng nangyayari sa relasyon nyo. Hindi iyon ang tinatawag na tunay na pag-ibig kundi istupidong pagmamahal.

Pangalawa. Komunikasyon. Kung may pinagdadaanan ang magnobyo/magnobya, pinag-uusapan dapat nila kung ano ang gagawin nila upang malampasan ang kung ano mang pinagdadaanan nila, upang maayos nila ang gusot sa kanilang relasyon. E paano kung sa tuwing may pagdadaanan kayong lubak sa inyong relasyon ay hindi kayo magkikibuan? At paano naman kung ang isa sa inyo ay sa barkada pa lumalapit at naglalabas ng sama ng loob tungkol sa relasyon nyong dalawa? Tama ba yon? Matatawag ba yong tunay na pag-ibig? Para sa akin, kung hindi pag-uusapan ng magkarelasyon ang mga problema nila, walang maaayos at lalo lamang gugulo ang sitwasyon kung sa barkada pa maglalabas ng sama ng loob ang isa sa inyo. Dahil may mga bagay na tanging ang mag-nobyo/mag-nobya lamang ang makalulutas at makaiintindi. Kung walang bukas na komunikasyon ang namamagitan sa dalawang taong nagmamahalan, hindi nila maaaring sabihin na tunay na pag-ibig ang namamagitan sa kanila. Kung walang bukas na komunikasyon ang dalawang taong nagmamahalan, hindi pagmamahal ang tawag doon kundi nagsasama lamang sila upang masabing may karelasyon sila kumbaga "companionship" o di kaya's "pang-display" lamang. Ang relasyong walang bukas na komunikasyon ay di hamak na hindi tunay na pag-ibig kundi istupidong pag-ibig.

Pangatlo. Tiwala. May tiwala ka ba sa iyong karelasyon na kahit wala ka sa kanyang tabi ay mananatili siyang tapat sayo? Kung oo ang sagot mo, marahil ay tunay na pag-ibig na nga yan. Pero paano kung sa mga panahon na hindi kayo magkasama ay panay ang text at tawag mo sa kanya at panay ang tanong mo kung nasaan sya o kung sino ang kasama nya? Lahat ng tao ay may kanya kanyang "trust issues." Ngunit, kung hindi pag-uusapan at aayusin ay mananatiling may duda ka pa rin sa iyong karelasyon. Kung ganyan lamang ang sitwasyon, ay talaga namang hindi na tunay na pag-ibig ang namamagitan sa inyo kundi isang istupidong pag-ibig kaya kung ako sa mga magkarelasyon na nakararanas ng ganitong problema ay maghiwalay na lamang kayo. Hindi magiging tagumpay ang isang relasyon kung puro duda, pagseselos, at pride ang namamagitan sa mag-nobyo/mag-nobya.

At higit sa lahat, ang pinaka-importanteng sangkap sa isang relasyon para sa akin ay ang Diyos. Sa bawat magkarelasyon, kung tunay ang nararamdaman sa isa't isa ay kailangang ilagay ang Diyos (Allah, Savior, Tagapagligtas, etc)  sa gitna ng relasyon.

Kung nararanasan ng ilan sa makakabasa nitong artikulong ito ang mga nasasaad dito, sa tingin ko, oras na para tanungin ninyo ang sarili ninyo kung ang karelasyon ninyo ngayon ay masasabi ninyong ang inyong tunay na pag-ibig. At kung hindi, kung sa tingin ninyo ang namamagitan sa inyo ay isang istupidong pag-ibig, aba, ay wala ng rason pa para magtagal ka sa isang relasyong walang patutunguhan. Makipaghiwalay ka na kahit na sabihin mo pang matagal na ang pinagsamahan nyo. Wag na kayong magtiis sa isang "unconventional relationship." Sisirain lamang nito ang buhay mo. Tulad nga ng sinasabi ng iba: Marami pa namang iba dyan! Hindi ninyo kailangan magmukmok at isipin na ang karelasyon ninyo ngayon ang tanging taong gusto ninyong makasama kung sya mismo ay hindi nagiging tapat at tunay sa inyo.

Don't be such a martyr! Move forward because life has so many other things to offer.

Bow!

5 comments:

  1. Maaring tama ka sa mga sinasabi mo, maaring hindi. Hindi ko sinasabi na sang-ayon ako, at hindi ko din naman sinasabi na tutol ako sa mga ibinahagi mo. Para sakin ang depenisyon ng Love ay hindi lamang tumitigil sa persepsyon ng iisang tao. Kahit sabihin pa ng isang tao na siya na ang pinaka makata tungkol sa isyung ito. Marahil tama ang persepsyon niya kung ang paguusapan ay ang mga karanasan niya sa buhay, ngunit magiging hindi katanggap tangap ang mga ito kung ibang tao na ang sasailalim sa persepsyon ng makatang iyon. Ang sinasabi ko dito na ang kahulugan ng Love ay depende sa mga naranasan at eksperyensa ng tao sa buhay niya. May ibang magsasabi na ang pagiging martyr ay Love, ang iba naman ay ang pagiging mahigpit ay Love, meron naman diyan na ang Love ay tumutukoy sa sexual na gawain... Ang punto ko dito, ang depinisyon ng Love ay hindi iisa, para itong bansa na may sari-sariling batas ayon sa mga taong nabubuhay dito, para itong lahi na may sari-sariling interpretasyon sa mga bagay bagay...

    Marahil iniisip mo ngayon na ang dami kong satsat at mga sinasabi... Marahil ay tinatanong mo sa sarili mo ngayon kung ano ang tingin ko sa Love?

    Isang LOVE lang naman ang pinaniniwalaan ko simula ng ako'y nabuhay. At ito ang Unconditional Love kung saan hindi ka hihingi ng kapalit sa lahat ng ginawa mo sa taong MAHAL mo. Mamahalin mo ang taong naiingit sayo, ang taong nananakit sayo, ang taong nang api sayo, ang taong sumira sa pagkatao mo... Yan ang tunay na LOVE... LOVE na tinuro ni JESUS... Love na Unconditional.

    ReplyDelete
  2. Sasang-ayunan kita sa pananaw mo, naniniwala din ako sa pananaw na yan. Ngunit, ginawa ko ang artikulong ito para sa mga taong nakararanas ng hindi pantay na pagmamahal. Mga taong nagkakaron ng problema sa kanilang mga karelasyon. At mga taong hindi alam ang tamang gawin sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko sinasabing gawin nila ang mga sinaad ko dito, nasa kanila yun. Ang mga nilagay ko dito ay mga opinion ko lamang.

    ReplyDelete
  3. When you love someone
    You'll deny the truth believe a lie
    There'll be times that you'll believe
    you can really fly
    But your lonely nights have just begun
    When you love someone
    When you love someone you'll feel it deep inside
    And nothin' else can ever change your mind
    When you love someone - you'll sacrifice
    You'd give it everything you got and
    you won't think twice
    You'd risk it all - no matter what may come
    When you love someone - Bryan Adams

    ReplyDelete
  4. When you love someone, You'll deny the truth believe a lie. There'll be times that you'll believe you can really fly... (THIS LINE GIVES ME CHILLS. STUPIDITY AT IT'S HIGHEST, i'm not coming clean, i experienced such agony but already learned a lot and maybe i will still be stupid when it comes to love, but not to that extent.)

    When you love someone you'll feel it deep inside and nothin' else can ever change your mind.(Believe it or not, there will come a time that something will happen and it will make you change your mind.)

    When you love someone - you'll sacrifice. You'd give it everything you got and you won't think twice.(I have nothing against sacrificing something for the one you love, but there will come a point that sacrificing will be enough)

    ReplyDelete
  5. Si AL po... nagpapakilala... dumaan at nagbasa.. follow me on www.pasumangil.blogspot.com

    ReplyDelete